11/04/09.
Bakit ka naman ganyan? Pakapalan na ba talaga ngayon ng mukha? Migaad!
Oo na! Ikaw na nga tama sa'ting dalawa! Pero sana naman, maintindihan mo yung side ko. Nagagalit ako kasi nga nasaktan ako! Masakit kasi yung mga sinabi mo. Kahit ba hindi mo sinasadya, para mo nang ipinamukha sa'kin na 'wag na akong umasa at ako lang masasaktan sa huli. Mag-isip ka nga! Alam ko naman kasi yun. Hindi naman kasi ako tanga noh?! May isip naman akong tao. At, hindi naman po kasi ako umaasa sa kanya noh? Wala naman akong pakelam kung meron o wala siyang gusto. Ang point ko lang kaya ko tinutuloy 'to is that, I just want him to know how much he means to me. I don't care noh?! Kapal mo naman. Bakit?! Nung sa'yo ba? Sinabi ko ba sa'yo na tigilan mo na si F_ _ _ _ kasi wala ka naman pag-asa kasi nga, love niya yung friend ko at hindi ikaw. SInabi ko ba yun sa'yo? 'Di ba hindi? Kasi alam ko, masakit yun.
Oo na, gusto mo lang sabihan ako ng maaga pa lang para makalimutan ko agad siya. Ganun lang ba kadali yun sa palagay mo? Ha? Hindi kaya! Alam mo kung bakit? Mahal ko nga siya! Mahal na mahal! Sa tingin mo ganun ko lang siya kadali makakalimutan? Hayaan mo na lang muna kasing mawala yung pagmamahal ko tsaka ko siya makakalimutan. Ngayon? 'Wag naman ngayon. Hindi ko makakayanan. Hindi ko kaya.
Haii. Humaba tuloy blogpost ko. Parang nobela ba? Hindi naman. O, eto pa. Isa pang prob.
Ikaw naman friend. Alam mo naman kasi na mali yun. May boyfriend na si other friend e. At close friend ko pa si boyfriend. Syempre masasaktan ako dun. Niloloko ang dalawang taong nagmamahal sa inyo niyan e. Pareho kasi kayong may commitment. Tapos kung anek-anek na kagaguhan ang ginagawa niyo. Para kayong mga walang pinag-aralan niyan e. Ikaw friend, nagmumuka kang tanga at manloloko. Si other friend ko naman, nagmumukhang napaka landi at kire. Umayos naman ko. Please? Mamili na lang kayo kung saan talaga kayo lulugar ha? Basta dapat, doon sa hindi niyo pagsisisihan. Doon sa kung saan kayo sasaya? Itigil niyo na ang lokohan kasi lalo pang madaming masasaktan niyan. Ha? Please. Nagmamakaawa ako.
Okay, stop the drama before you continue reading...
How's my day? Hhhmmm. Sayang! Dapat hindi na lang ako nagising kanina. Ang ganda ng panaginip ko e. About nanaman sa kanya. Bakit kaya ganun noh? Halos lagi ko na lang siya napapanaginipan. Ayun, saya ai. Nagkukulitan kami. Aaaww. Kaso, panaginip lang yun. Hanggang panaginip nalang yun.
Ang kulit nung activity namin kanina sa English. Naintriga lang ako dun sa isa. Sabi kasi ni miss, write 2 negative traits of the person who owns the paper you're holding. Nung nabasa ko na yung akin, parang napa-isip ako.
"over generous"
Pagkabasa ko nun, parang... Over? Parang. Oo nga noh? Minsan pala, sa sobrang mapagbigay ko, nauubos na yung para sa'kin. Minsan pala naaapi na ako. Paano kaya yun?
Ge, yun nalang muna. Am tired na e. Gotta go. Byie!
Ge, yun nalang muna. Am tired na e. Gotta go. Byie!
